Saturday, July 6, 2013

15th Months and Forever


Dear Ma,

Hello Pango! Gulat ka no?! may Letter ako ^_^

First of all Happy happy 15th Month :) How I wish I'm by your side in this special day. Sarap isipin na andito na tayo Ma. Who have thought na yung 2 persons na hindi naman talaga close nung highschool suddenly fall in love. Sarap isipin na next year lahat ng plans natin kasama nating bubuuin.

Ma, kelangan lang nating tiisin lahat talaga. "Behind sacrifices is success and happiness" and lahat ng to parehas ang purpose natin.Not only for US also, Magandang buhay para sa future family natin.

I don't need to expand and elaborate more how much I love You. I know how much you miss me b'coz I feel the same way too Ma. Lagi ko ng sinasabi sayo na mahal kita. Guilty ako sa "action speaks louder than words". Kasi alam ko na alam mo na I love you so much but we're too far para always kong iparamdam sayo yun na sobrang mahal kita. Hindi ito yung tulad ng iniisip mo ah. Pango ka!

Ma, 11 months more pa. Promises are meant to be broken dba. So hindi ito promise po assurance to, I will be by yourside kahit "pumuti na ang buhok natin"

I love you so much Jeanne..I hope you love my letter. Umwuahhh(kiss sa kili-kili)hehe..

Pa,


Thursday, April 18, 2013

,The Beginning of Success....






Pa,

           It will fit who you are now...read it as many as you can..Sa palagay ko po that simple saying's would motivate you much more pa....I'll explain it as my letter goes by. First and foremost I really really like to say CONGRATULATION'S Pa.. gusto ko man sabihin sayo ng personal kaso sinadya ng Panginoon na nasa malayong lugar muna ako sa isa sa mga mahalagang pangyayari sa buhay mo..so paano anu ba pakiramdam ng taong dumaan sa unos, sa mga trahedya, sa mga apoy, sa mga gutom, kritisismo, pagkadapa, panloloko at pagsuko sa buhay..ito na at nakagraduate na???.. hindi ba't napakasarap na sa lahat ng yan ayan ka na Pa unti unting gumiginhawa sa buhay.. Isang daang palakpak po sayo at hindi mo binigo ang pamilya mo na kaya mong bumangon na kaya mong tumayo ng may prinsipyo sa sarili mo.Alam ko kung anu nadadama ng puso mo sa nararanasan mong ligaya at sa lahat ng yan walang ibang dapat pahalagahan kundi ang iyong sarili hindi ka bumitaw sa pangarap mo.. Tanda mo pa ba yung sinabi mo sakin.." Pinapangako ko giginhawa ako"...sana yang pangako na yan gawin ng hindi nakakalimot sa pinanggalingan mo..Ang drama ko na ba?? ^_^.. Honestly Pa natutuwa talaga ko sa nangyayari sayo eh! kahit kasi paano naging saksi ako sa mga nangyari sayo.. Hindi ba fair talaga c Lord kasi kung hindi nangyari sayo yung kalamidad hindi ka kung sino ka ngayon..Lagi pong magpapasalamat at huwag makalimot sa Panginoon..Maging mas matatag sa pagsubok at maging matulungin sa pamilya.. Oh! Paano magkakawork na si Negro although naexperience mo na man magtrabaho iba na ngayon titulado ka na eh!! Bilib talaga ako sayo eh! Galing galing unang hanap meron agad.. Sabi nga ng ate mo natutuwa daw sya sayo kasi may mga katrabaho sya na ngapply dun na hindi natanggap.. Paano ba naman talino kasi ng bf ko eh!..hehhehe I love you...Unang sahod ipunta sa tama huh! Pass muna ako maniningil na lang ako pagbalik po.. hehehhe.. siopao solve na ko.. yan tuloy miss ko na siopao.. It's more fun in the Philippines talaga hehehe... Sa pagtatrabaho laging maging magpakumbaba, huwag magtitiwala sa lahat at gawin ang tama.. Hindi lahat ng nakakangitian mo sa trabaho totoo sayo.. Lahat nman ata ng sinasabi ko rindi ka na eh... hahahhahah.... Excited lang talaga ako sayo.. Change topic naman...


            Isang roller coaster ang nangyari ng mga nagdaang araw sa relasyon natin nawala ang isang pinakaimportante sa realsyon natin yung bagay na ngsisilbing koneksyon natin.. Nasaktan ako oo hindi ko itatanggi sobra po...Yung una gusto ko na bumitaw seryoso yun Jear.. yung hindi ako ngparamdam sayo ng isang araw nagisip ako ng todo nun and ang result hindi ako naging okay sa trabaho sobrang init ng ulo ko nun lahat ata ng nagtanong nasigawan ko.. Jear hindi ako nagdemand sayo ng kahit anu hindi din ako humingi ng kahit anu pero yung iwala mo yung singsing sobrang gusto kong manumbat,, sorry at first hindi kita inintindi,,napangunahan ako ng emosyon.. Pero tulad ng sinasabi mo sakin walang nasusulosyunan sa mabuting paguusap.. Masyado lang ako nasaktan kaya kung anu na pumasok sa isip ko.. sanay kasi ako magmula bata hindi ako demanding pero kung anu meron tinatanggap ko kung wala eh wala pero once you hurt me tatatak talaga yun sakin ayan si Jeanne..on the bright side naman natutunan kong mag let go at magpatawad sa nangyari walang may gusto mangyari yun pero wag mo sasabihin sakin na hindi ikaw ang dapat sisihin sa nangyari sayo yun hindi mo pinagyngatan... Kung may nawala may mas dadating maghihintay ako sa kapalit ng nawala...I love you and accepted ko na yung nangyari..

           So Pa until dito muna po.. Maligayang paglalakbay ulit sa next chapter ng buhay mo madami pang pagsubok palagi lang akong nasa tabi mo para ipaalala ang lahat ng meron at wala ka.. Mahalin ang pamilya... at patuloy na magdasal sa Panginoon.. I love you Jear.. Thank you sa love...


Lovelots,


Mama Jin..

Friday, March 29, 2013

,Keep the FAITH...

 "If only I can make it I'll make it I so badly miss you"....


Dada,

        Hello!!! 7 days to go ^_^....Mukhang sobrang pagod mo Dada ahh nakaslip na ikaw eh.. anweis nagawa mo ulit yung panata mo.. and I knew kasama din naman ako sa mga prayers mo po.. Ako dito so far so good na po medyo sobrang toxic lang Da, last week daming pagod pero yakang yaka po tulad nga ng huli kong letter sinusulit ko na yung last year ko dito para naman makapag iwan ako ng magandang reputation dito sa Ghodran..this last few days dami kasi ngyari dito po yung last na umuwi galing dito terminated dahil sa pakikiapid,, then yung naikwento ko sau po na may mapapauwi n2man dahil sa nahuli na may kasama na ibang lalaki na di naman nya asawa,,sobrang panget na kaya ng tingin ng mga ibang lahi sa mga pinoy dito po.. ewan ko ba bakit hindi sila makuntento sa isa lang.. ayan tuloy pauwi sila ng ganun lang.. Ang dami po dito ang hina sa temtasyon..kasi sakin po Dada kailan man hindi magiging tama ang magmahal sa maling sitwasyon..

       Kumusta naman ang end ng class?? tagal mo maghintay ng graduation Dada..graduate na sya... yehey!!!!! alam ko naman makahanap kaw agad ng work sana maipasa mo yung BDO.. alam kong kaya mo yun kulang lang lg tiwala sa sarili..isipin m lagi makakatulong ka na sa inyo..mukhang nkabawi na ulit kayo sa pamilya sana tuloy tuloy na din maging ok c papa mo po...God Bless sa family natin.. samin ganun pa din po. walo kong balita kay kuya deactivate nga kasi fb ni she kaya la ko balita c dady nadun kala lola ko, sayang di kami ngkita para nkpgusap ng seryoso...c ate balik pinas na one week lang pala sya sa SG.. c nel mukhang masaya naman nakita ko latest pic nya sa fb.. All is well satin po..

      Two months na tayo di magkasama physically Dada.. bilis noh nka 2 months na ulit ako dito 3 years na ko sa April 7 tpos last 1 year na lang po..dami ngtatanong sakin kung exit na daw ba talga ako sabi ko naman oo.. lahat sila hula mag aasawa na ko..hhehehehhe^_^.. sagot ko depende kay Jear!!.. sobrang dami ko na iniisip yung pgbalik ko jn dapat mkahana ulit ng new work yun target ko eh ayoko mastay lg sa bahay natakbo ang oras po.. dasal nten na mgkawork ulit ako pgbalik.. at lam ko na mgkakaron agad.. .. sobrang bilis ng panahon ang tanda ko na.. Sana magkababy na c ate para pgbalik ko may baby na bago na po.. Kapit lang tau Dada mairaraos din nten ulit yung pagsubok ng relasyon nten.. Thank You sa daming effort n gngwa mo mgkaron lang tau ng communication appreciated ko ng sobra.. Sorry kapag may topak c Pango.. I love you so much.. ang bumitaw PANGET!!!!... i miss you sobra habang tumatagal mas namimiss kita ako lang huh...


       * GOD knows how long we have waited..Every second will be worth it in the end..Keep the FAITH.....

Kapit lang ng mahigpit sa Diyos makakaya natin po ito.. I LOVE YOU JEAR......


Lovelots,,,

Mama...

    


Saturday, March 23, 2013

I love You Ma..

Simple things if put together gives large appreciation...
Sensiya po nakalimutan ko to Ma.. thanks po sa pagpapaalala ah ..
I love you Ma.. Muah muah



Dada..

letter....

Ma,


     Super late na tong letter ko. Tama ka dapat talaga hindi mawala tong friday letter natin pasensiya na po ah. Aminin ko po nalimutan ko talaga na gumawa ng letter dba nga may isang friday na akong utang na letter eh. Sorry po., Patawarin na po sana si Dada mo..

     Nagkaroon na ako ng palakol. Sa hindi inaasahan na sitwasyon nagkaroon pa ako ng grade na 79. Hindi naman sa tinake for granted ko ang Business Law 3 na subject Ma. Hindi kasi talaga ako makapagreview gawa ng limited ang resources eh. Yung book na gnamit namin hindi updated eh. Kaya nga yung bumili ng book kahit bagsak sa mga exams naka 82 pa eh. Minalas lang kc kung kelan 2nd sem pa ng 4th yr ngyari to. Pero atleast malapit na sa katotohanan ang 79 grade. Kahit na isipin natin na 1st yr 1st sem at 4th yr 2nd sem lang naman talga madalas tinitignan ng mga job interviewer sa TOR ang academic grades eh happy pa rin kasi pasado ako sa BL3 at gagraduate na din sa wakas ngayong April 14 ^_^

     At last graduate na po. I know kasama ka sa mga taong nagdasal na makatapos ako. Eto na po, kasama ka sa tumulong sakin para makuha ko to Ma. Salamat po ng madami sa lahat ng tulong at psychological advice. New page ba term o new beginning of life hehe. Hanggat may buhay may pagasa dba Ma. Kaya nga ako nagaral ulit eh. Sinwerte pa nga kasi sa paglalakbay ko naisipan mong sumakay eh.. Pero naisip mo din na masaya pala ako sabayan sa paglalakbay kaya sumama ka na sakin at sana hindi ka na bumaba pa hehe.. Maraming "Sana" ka ng narinig sakin. Maraming "Sorry" na din. Ewan ko lang kung naniniwala ka sa kantang "Don't fall in love with a dreamer"  at sa "Sorry song". Kasi lagi na lang sana at sorry Ma. Sa bawat pangarap ko kasama po kita. Sa bawat hingi ko ng patawad galing po sa puso ko yun.

    Medyo nafocus lang ako sa paghahanap ng trick sa net Ma para magkaron tayo ng communication. Kaya medyo nakalimot. Sorry talaga.. Sobrang init ngayon sa Pinas Ma., Habang ginagawa ko nga tong letter naliligo ako ng pawis tsk tsk..

    March 28 po alay lakad Ma.. alam mo naman na yan.. April 8 -11 practice graduation, April 12 graduation po sa verdant na naman ahahaha..April 14 civil service examination po.. Bukas aapply ako sa SDCC sana pagpalain ako Ma. Pray for me ah..

    Hanggang dito na lang po muna Ma.. Mahal na mahal po kita Pango. Cool ng bagong tawag mo sakin.. Sa friday usap tau sa FB tawagin mo ko dada gusto ko marinig Ma ah..

    I love you Mama..Ingat ka po lagi!

Nagmamahal ng Cute na Pango...
Dada


 



Tuesday, March 5, 2013

,superdupertoxic!!!!!!!

Pa,

      Delayed na talaga masyado yung letter ko po.. Everyday toxic talaga po eh.. compared sa last year sobrang gamit po yung katawan at isip ko sa work but as what Jeanne is laban lang ng laban now medyo sobrang lang talaga yung sakit ng katawan ko talagang naninibago lang ulit po...Wala naman po bago sa last week na nakalipas po dito same routine naman lagi tulog,gising,pasok,kain,pasok,uwi at tulog ulit nagpapasalamat lang talaga ako at may trabaho ako na maganda po.. Ang bilis ng panahon Pa mag 1 month na po ako ulit dito sa totoo ineenjoy ko na lang yung reamaing 12 months stay ko dito sobrang dami kasing drama's today sa hospital...What goes around comes back around.... nakakarma na yung mga gumagawa ng mali dito po.. nakakaawa but choice kasi nila yung mga ginagawa nila dito binalikan lang po sila agad... change topic Pa.. soon na soon na graduate ka na Pa as in weeks na lang po..Naku maiiba na talaga mundo ni Jear iniisip ko na yun Pa pero masaya na ko kasi makakatulong ka na sa inyo at may dagdag points ka na po sa sarili mo.. tuloy lang laban Pa ahh... Sobrang masaya ko para sayo..Feasib sana naman maging ok na yan.. maririnig ma na yung graduation song hahahah,,, sarap mag aral talaga.. I know super happy ka na sa nangyayari Pa sa life mo sana tuloy tuloy na po yan you deserve to be in that situation.. Dasal lang tayo palagi at sana maka hanap ka din ng magandang work agad... To be honest Pa wala naman sense today yung letter ko paano always everyday tau mgkachat kaya lahat na ata nasabi ko na sayo... magyyngat lang po palagi and always put God in everything you do..

I LOVE YOU AND I ALWAYS MISS YOU...



Lovelots,,

Ma.

Sunday, February 24, 2013

STILL ALIVE AND KICKING

Pa,

         Medyo di na po sana'y gumawa ng letter paano kasi tagal din natin hindi binisita itong blog natin medyo nabusy tayo eh magkasama na kasi sa Pinas pero ito back to reality na nga nasa malayo n2man ako Pa.. libo libong milya ang pagitan natin ulit.... First day ko dito ang hirap ang aga ko kaya nagising 5am gising na ko sa unang araw sobrang nahirapan talaga ako panu nasanay n2man ako sa buhay pinas yung nasa tabi mo mga taong mahal mo at hindi mo kailangan kumilos ng may limitasyon kasi tatanggapin ka kahit magkamali ka sa bahay at higit sa lahat sobrang hirap ng naramdaman ng puso ko sa mga unang araw at linggo ko dito wala ka na kasi pag sa tuwing kailangan ko ng kausap at pakinggan ko yung boses mo po..sa mga lakad natin dalawa.. yung amoy mo po.. yung tawa mo kapag mangungulit ako..kapag sinisigawan mo..yung malaki mong katawan..yung paghalik mo sa noo ko..yung pagkain natin ng fishballs, yung pagsisiksikan sa baclaran.. yung kape  ^_^..yung jogging natin... yung paghawak mo sa kamay ko.. yung smile mo..yung buong buo na IKAW sobrang namimiss ko hanggang sa mga oras na ito.. Pero tulad ng lagi ko pinapaalala sayo tapos na muna yung FANTASY.. Reality muna tayo.. Its really hard but its for the sake of our own goods need natin magtake ng risk ulit at sumugal nanaman sa relasyon natin.. TIGER'S are Fighter....lalaban tayo sa 365 days na dadating...I miss you Jear.. I miss you everyday...sabi mo nung magkasama tayo.. and I quote.." Ma pusta ko pag balik mo dun mamimiss mo ko mahihirapan ka"... dba ang lagi ko sagot HINDI DIN... I just want you to be ready kasi sa pag alis ko ulit ayoko makita mo na pinanghihinaan ako ng loob but deep inside may heart kung pwde lang na yung naiisip ng utak natin yung mangyayari sa buhay natin eh mangyayari gagawin ko po... kaso Pa hindi naman ako si JEAN  GRAY para sa mga powers na ganun..We are destined to be together but have to face this kind of challenge kumbaga ba Pa sa basketball TIME OUT muna daw.. Alam kong magiging okay ulit po at tulad ulit ng sinasabi PAGSUBOK lang ulit ito.. kaso lam mo Pa iba na kasi ngayon nagkasama na tayo may mga memories na minsan bigla na lang natin naiisip yung mga days na magkasama tayo meron sa utak natin na nakikita natin yung mga mukha ng isa't isa and that's was really hard po...Oo nga po pala salamat ng sobra sobra sobra sa pagtanggap ng pamilya mo sa akin sa pagmamalasakit at pagpapakita ng pagmamahal nila sobra po Thank you sa kanila at kahit paano nakasama ko po sila.. lam kong dumating kau sa crisis at sobrang pagsubok pero sobrang bilib po ako kasi bagkus may mga kakulangan ang bawat isa sa inyo sa Papa at Mama mo naroroon pa din yung respeto at pagmamahal ng bawat isa sa inyo..wala po akong masamang tinapay sa pagkakaroon ko ng opotunidad na makikilala ko ang Echon's Family..Malapit ka na matapos po at matutupad mo na ang pangarap mo po.. lagi mo lang Pa gawin inspirasyon yung mga problema na kinaharap mo.. Welcome to the world Jear.. maiintindihan ma yan pag naghahanap ka na ng work at pag ngtatrabaho ka na..Medyo sensitive yung next na sasabihin ko Pa.. isang taon Jear isang taon na wala ako sa tabi mo although may ways para magkita at magkausap tayo hindi padin maiiwasan na may pwdeng mangyari sa relasyon natin maaring may matukso, may mapagod, may magmahal ng iba, may mawalan ng gana lumaban.. kasi hindi natin hawak ang tadhana ng Panginoon hindi din natin hawak ang isip ng isa't isa .. TIWALA ako sau no doubt ako dyan pero lang Pa kung sa panahon nga na mangyari yung hindi natin inaasahan..lagi lang tayo magpatuloy sa buhay Pa.. alam mo kung bakit nasasabi ko ito kasi iwasan natin magkaron ng EXPECTATIONS  sa relasyon natin.. madami kasi pwde mangyari at kung sakali po na ngkaganyan Pa.. Pakiusap ko wag lang itong THREE MONTHS na padating hindi ko kakayanin dito promise ayoko muna magkaron ng isang malaking dagok sa buhay ko lalo at malayo ako.. Kug dumating yung time na magkahiwalay tayo sa pagbalik ko hahanapin kita Jear itaga mo sa bato yan,, hahanapin kita hindi para saktan o sumbatan ka kundi mayakap ka ulit ng isang sobrang higpit at magpasalamt sa ipinadama mo na kahit sino ay hindi ipanadama sakin sobra sobra kasi yung naitulong mo sa akin eh.. dati kasi sarado yung utak ko na kumita ng pera at maibigay ang mga pangangailangan ng tao..dati nabubuhay ako sa kung anu yung mas kaya kong gawin pa.. pero natutunan ko po na makuntento at huwag masyado humangad ng hihigit sa ipinagkakaloob ng Diyos.. na mas mahalin ko yung sarili ko.. na mas maging tapat ako sa pamilya ko.. at yung MAGMAHAL AT MAGTIWALA ulit.. salamat sa pagbukas mo ulit ng puso ko ngayon Pa,, hindi na ko takot na magmahal at masaktan ulit....so paano po ito muna letter ko pasensya mejo madrama.. Hangad ko sa patuloy ng grasya ng Diyos sa bawat pamilya natin at malaking TIWALA sa bawat isa..Mahal na Mahal kita Jear....I love you with all may heart and mind...





Sink in ba sa mind??????.....^_^  I love you asawa ko....


Jeanne.......