Sunday, February 24, 2013

STILL ALIVE AND KICKING

Pa,

         Medyo di na po sana'y gumawa ng letter paano kasi tagal din natin hindi binisita itong blog natin medyo nabusy tayo eh magkasama na kasi sa Pinas pero ito back to reality na nga nasa malayo n2man ako Pa.. libo libong milya ang pagitan natin ulit.... First day ko dito ang hirap ang aga ko kaya nagising 5am gising na ko sa unang araw sobrang nahirapan talaga ako panu nasanay n2man ako sa buhay pinas yung nasa tabi mo mga taong mahal mo at hindi mo kailangan kumilos ng may limitasyon kasi tatanggapin ka kahit magkamali ka sa bahay at higit sa lahat sobrang hirap ng naramdaman ng puso ko sa mga unang araw at linggo ko dito wala ka na kasi pag sa tuwing kailangan ko ng kausap at pakinggan ko yung boses mo po..sa mga lakad natin dalawa.. yung amoy mo po.. yung tawa mo kapag mangungulit ako..kapag sinisigawan mo..yung malaki mong katawan..yung paghalik mo sa noo ko..yung pagkain natin ng fishballs, yung pagsisiksikan sa baclaran.. yung kape  ^_^..yung jogging natin... yung paghawak mo sa kamay ko.. yung smile mo..yung buong buo na IKAW sobrang namimiss ko hanggang sa mga oras na ito.. Pero tulad ng lagi ko pinapaalala sayo tapos na muna yung FANTASY.. Reality muna tayo.. Its really hard but its for the sake of our own goods need natin magtake ng risk ulit at sumugal nanaman sa relasyon natin.. TIGER'S are Fighter....lalaban tayo sa 365 days na dadating...I miss you Jear.. I miss you everyday...sabi mo nung magkasama tayo.. and I quote.." Ma pusta ko pag balik mo dun mamimiss mo ko mahihirapan ka"... dba ang lagi ko sagot HINDI DIN... I just want you to be ready kasi sa pag alis ko ulit ayoko makita mo na pinanghihinaan ako ng loob but deep inside may heart kung pwde lang na yung naiisip ng utak natin yung mangyayari sa buhay natin eh mangyayari gagawin ko po... kaso Pa hindi naman ako si JEAN  GRAY para sa mga powers na ganun..We are destined to be together but have to face this kind of challenge kumbaga ba Pa sa basketball TIME OUT muna daw.. Alam kong magiging okay ulit po at tulad ulit ng sinasabi PAGSUBOK lang ulit ito.. kaso lam mo Pa iba na kasi ngayon nagkasama na tayo may mga memories na minsan bigla na lang natin naiisip yung mga days na magkasama tayo meron sa utak natin na nakikita natin yung mga mukha ng isa't isa and that's was really hard po...Oo nga po pala salamat ng sobra sobra sobra sa pagtanggap ng pamilya mo sa akin sa pagmamalasakit at pagpapakita ng pagmamahal nila sobra po Thank you sa kanila at kahit paano nakasama ko po sila.. lam kong dumating kau sa crisis at sobrang pagsubok pero sobrang bilib po ako kasi bagkus may mga kakulangan ang bawat isa sa inyo sa Papa at Mama mo naroroon pa din yung respeto at pagmamahal ng bawat isa sa inyo..wala po akong masamang tinapay sa pagkakaroon ko ng opotunidad na makikilala ko ang Echon's Family..Malapit ka na matapos po at matutupad mo na ang pangarap mo po.. lagi mo lang Pa gawin inspirasyon yung mga problema na kinaharap mo.. Welcome to the world Jear.. maiintindihan ma yan pag naghahanap ka na ng work at pag ngtatrabaho ka na..Medyo sensitive yung next na sasabihin ko Pa.. isang taon Jear isang taon na wala ako sa tabi mo although may ways para magkita at magkausap tayo hindi padin maiiwasan na may pwdeng mangyari sa relasyon natin maaring may matukso, may mapagod, may magmahal ng iba, may mawalan ng gana lumaban.. kasi hindi natin hawak ang tadhana ng Panginoon hindi din natin hawak ang isip ng isa't isa .. TIWALA ako sau no doubt ako dyan pero lang Pa kung sa panahon nga na mangyari yung hindi natin inaasahan..lagi lang tayo magpatuloy sa buhay Pa.. alam mo kung bakit nasasabi ko ito kasi iwasan natin magkaron ng EXPECTATIONS  sa relasyon natin.. madami kasi pwde mangyari at kung sakali po na ngkaganyan Pa.. Pakiusap ko wag lang itong THREE MONTHS na padating hindi ko kakayanin dito promise ayoko muna magkaron ng isang malaking dagok sa buhay ko lalo at malayo ako.. Kug dumating yung time na magkahiwalay tayo sa pagbalik ko hahanapin kita Jear itaga mo sa bato yan,, hahanapin kita hindi para saktan o sumbatan ka kundi mayakap ka ulit ng isang sobrang higpit at magpasalamt sa ipinadama mo na kahit sino ay hindi ipanadama sakin sobra sobra kasi yung naitulong mo sa akin eh.. dati kasi sarado yung utak ko na kumita ng pera at maibigay ang mga pangangailangan ng tao..dati nabubuhay ako sa kung anu yung mas kaya kong gawin pa.. pero natutunan ko po na makuntento at huwag masyado humangad ng hihigit sa ipinagkakaloob ng Diyos.. na mas mahalin ko yung sarili ko.. na mas maging tapat ako sa pamilya ko.. at yung MAGMAHAL AT MAGTIWALA ulit.. salamat sa pagbukas mo ulit ng puso ko ngayon Pa,, hindi na ko takot na magmahal at masaktan ulit....so paano po ito muna letter ko pasensya mejo madrama.. Hangad ko sa patuloy ng grasya ng Diyos sa bawat pamilya natin at malaking TIWALA sa bawat isa..Mahal na Mahal kita Jear....I love you with all may heart and mind...





Sink in ba sa mind??????.....^_^  I love you asawa ko....


Jeanne.......

Saturday, February 23, 2013

The return of the comeback ni Pango ^_^


Ma,

     Musta!? heto na naman tayo Ma..Eto ba ung back to normal natin.. ahahaha..Simulan natin sa Good News. Nakarating ka na po ulit jan , kahit medyo nagkaaberya sa flight mo still, ok na po at anjan ka na. Bad News, mejo nagbago ang management jan.. Kaya un medyo malungkot pero no choice kasi hindi ka naman basta basta makakabalik dito kasi may contract kang dapat tapusin :((. Anyway, ibalance na lang ang lahat Ma, portfolio - balancing lang yan.. sa madaling salita po, TIPID - TIPID na muna..
 
    Ganun po talaga ang buhay Ma, alam ko naman open - minded ka sa lahat ng bagay. Alam natin na dynamic ang lahat. Hindi lahat stagnant., lahat ng bagay nagbabago Ma. Ang tanging magagawa natin ay MAG - ADJUST. Dapat po talaga tulungan ka ng family mo sa lahat. Hindi na tulad ng dati na pasarap lahat.. Dapat adopt mo lang ang situation jan., konting tiis lang Ma, 1 yr lang yan. Malay mo po magbago ang management., hindi din natin masasabi eh., Alam ko kaya mo yan kasi PINOY ka.Tayo ay FLEXIBLE sa lahat ng bagay, ganyan ang mga Filipino, marunong makibagay sa environment.

    Maiba po ako habang ginagawa ko nga pala itong letter eh nakabihis na ako., ready to go sa simbahan at mag- proxy sau NINANG JEANNE.. ahahaha.. Uhm ok na yung pakimkim Ma, About sa bahay naman., Ayon, si EMPOY KOLOKOY aba eh lagpak na naman ata sa subject. Badtrip nga c mama eh, grounded siya ngaun ahaha.. Hindi kasi talaga nagaaral yung batang yun. Si Papa, ok n po siya kaya na niyang labanan yung sakit niya., sav nga niya kagabi " ayaw na ko na talagang magsoftdrinks ".. Hehehe natauhan na siya Ma.., Konti na lang po Ma, 2 months to go n lang magwowork na din ako., UU tama ka., Sa bawat PLANO sa BUHAY natin MAGKASAMA na tayo lagi. OPO MA, ISA na tayo., ang dating hindi masyadong nagpapansinan sa skul., eh ngaun magiging MAGASAWA na po .. hahahahahahaa...

   Kapit lang po Ma., TRUST, LOYALTY, PATIENCE, UNDERSTANDING..
   Kahit ano figure mo pagbalik mo., kahit ano kulay mo.. 2014.., I will change your LAST NAME na JEANNE L. ECHON na po magiging Legal identity name mo ..wahahaha sarap naman sabihin nito lahat..^_^
   Mahal na mahal po kita Ma.. Laging magiingat ha.. Huwag masyado magdiet.. Huwag papatuyo pawis..Ingat sa madudulas.. please take care always ah..
    Hanggang dito na lang muna..Miss ko na po ikaw Ma..SOBRA!

Nagmamahal ng Cute na Pango,
Pa

   
 

Friday, February 15, 2013