Friday, March 29, 2013

,Keep the FAITH...

 "If only I can make it I'll make it I so badly miss you"....


Dada,

        Hello!!! 7 days to go ^_^....Mukhang sobrang pagod mo Dada ahh nakaslip na ikaw eh.. anweis nagawa mo ulit yung panata mo.. and I knew kasama din naman ako sa mga prayers mo po.. Ako dito so far so good na po medyo sobrang toxic lang Da, last week daming pagod pero yakang yaka po tulad nga ng huli kong letter sinusulit ko na yung last year ko dito para naman makapag iwan ako ng magandang reputation dito sa Ghodran..this last few days dami kasi ngyari dito po yung last na umuwi galing dito terminated dahil sa pakikiapid,, then yung naikwento ko sau po na may mapapauwi n2man dahil sa nahuli na may kasama na ibang lalaki na di naman nya asawa,,sobrang panget na kaya ng tingin ng mga ibang lahi sa mga pinoy dito po.. ewan ko ba bakit hindi sila makuntento sa isa lang.. ayan tuloy pauwi sila ng ganun lang.. Ang dami po dito ang hina sa temtasyon..kasi sakin po Dada kailan man hindi magiging tama ang magmahal sa maling sitwasyon..

       Kumusta naman ang end ng class?? tagal mo maghintay ng graduation Dada..graduate na sya... yehey!!!!! alam ko naman makahanap kaw agad ng work sana maipasa mo yung BDO.. alam kong kaya mo yun kulang lang lg tiwala sa sarili..isipin m lagi makakatulong ka na sa inyo..mukhang nkabawi na ulit kayo sa pamilya sana tuloy tuloy na din maging ok c papa mo po...God Bless sa family natin.. samin ganun pa din po. walo kong balita kay kuya deactivate nga kasi fb ni she kaya la ko balita c dady nadun kala lola ko, sayang di kami ngkita para nkpgusap ng seryoso...c ate balik pinas na one week lang pala sya sa SG.. c nel mukhang masaya naman nakita ko latest pic nya sa fb.. All is well satin po..

      Two months na tayo di magkasama physically Dada.. bilis noh nka 2 months na ulit ako dito 3 years na ko sa April 7 tpos last 1 year na lang po..dami ngtatanong sakin kung exit na daw ba talga ako sabi ko naman oo.. lahat sila hula mag aasawa na ko..hhehehehhe^_^.. sagot ko depende kay Jear!!.. sobrang dami ko na iniisip yung pgbalik ko jn dapat mkahana ulit ng new work yun target ko eh ayoko mastay lg sa bahay natakbo ang oras po.. dasal nten na mgkawork ulit ako pgbalik.. at lam ko na mgkakaron agad.. .. sobrang bilis ng panahon ang tanda ko na.. Sana magkababy na c ate para pgbalik ko may baby na bago na po.. Kapit lang tau Dada mairaraos din nten ulit yung pagsubok ng relasyon nten.. Thank You sa daming effort n gngwa mo mgkaron lang tau ng communication appreciated ko ng sobra.. Sorry kapag may topak c Pango.. I love you so much.. ang bumitaw PANGET!!!!... i miss you sobra habang tumatagal mas namimiss kita ako lang huh...


       * GOD knows how long we have waited..Every second will be worth it in the end..Keep the FAITH.....

Kapit lang ng mahigpit sa Diyos makakaya natin po ito.. I LOVE YOU JEAR......


Lovelots,,,

Mama...

    


Saturday, March 23, 2013

I love You Ma..

Simple things if put together gives large appreciation...
Sensiya po nakalimutan ko to Ma.. thanks po sa pagpapaalala ah ..
I love you Ma.. Muah muah



Dada..

letter....

Ma,


     Super late na tong letter ko. Tama ka dapat talaga hindi mawala tong friday letter natin pasensiya na po ah. Aminin ko po nalimutan ko talaga na gumawa ng letter dba nga may isang friday na akong utang na letter eh. Sorry po., Patawarin na po sana si Dada mo..

     Nagkaroon na ako ng palakol. Sa hindi inaasahan na sitwasyon nagkaroon pa ako ng grade na 79. Hindi naman sa tinake for granted ko ang Business Law 3 na subject Ma. Hindi kasi talaga ako makapagreview gawa ng limited ang resources eh. Yung book na gnamit namin hindi updated eh. Kaya nga yung bumili ng book kahit bagsak sa mga exams naka 82 pa eh. Minalas lang kc kung kelan 2nd sem pa ng 4th yr ngyari to. Pero atleast malapit na sa katotohanan ang 79 grade. Kahit na isipin natin na 1st yr 1st sem at 4th yr 2nd sem lang naman talga madalas tinitignan ng mga job interviewer sa TOR ang academic grades eh happy pa rin kasi pasado ako sa BL3 at gagraduate na din sa wakas ngayong April 14 ^_^

     At last graduate na po. I know kasama ka sa mga taong nagdasal na makatapos ako. Eto na po, kasama ka sa tumulong sakin para makuha ko to Ma. Salamat po ng madami sa lahat ng tulong at psychological advice. New page ba term o new beginning of life hehe. Hanggat may buhay may pagasa dba Ma. Kaya nga ako nagaral ulit eh. Sinwerte pa nga kasi sa paglalakbay ko naisipan mong sumakay eh.. Pero naisip mo din na masaya pala ako sabayan sa paglalakbay kaya sumama ka na sakin at sana hindi ka na bumaba pa hehe.. Maraming "Sana" ka ng narinig sakin. Maraming "Sorry" na din. Ewan ko lang kung naniniwala ka sa kantang "Don't fall in love with a dreamer"  at sa "Sorry song". Kasi lagi na lang sana at sorry Ma. Sa bawat pangarap ko kasama po kita. Sa bawat hingi ko ng patawad galing po sa puso ko yun.

    Medyo nafocus lang ako sa paghahanap ng trick sa net Ma para magkaron tayo ng communication. Kaya medyo nakalimot. Sorry talaga.. Sobrang init ngayon sa Pinas Ma., Habang ginagawa ko nga tong letter naliligo ako ng pawis tsk tsk..

    March 28 po alay lakad Ma.. alam mo naman na yan.. April 8 -11 practice graduation, April 12 graduation po sa verdant na naman ahahaha..April 14 civil service examination po.. Bukas aapply ako sa SDCC sana pagpalain ako Ma. Pray for me ah..

    Hanggang dito na lang po muna Ma.. Mahal na mahal po kita Pango. Cool ng bagong tawag mo sakin.. Sa friday usap tau sa FB tawagin mo ko dada gusto ko marinig Ma ah..

    I love you Mama..Ingat ka po lagi!

Nagmamahal ng Cute na Pango...
Dada


 



Tuesday, March 5, 2013

,superdupertoxic!!!!!!!

Pa,

      Delayed na talaga masyado yung letter ko po.. Everyday toxic talaga po eh.. compared sa last year sobrang gamit po yung katawan at isip ko sa work but as what Jeanne is laban lang ng laban now medyo sobrang lang talaga yung sakit ng katawan ko talagang naninibago lang ulit po...Wala naman po bago sa last week na nakalipas po dito same routine naman lagi tulog,gising,pasok,kain,pasok,uwi at tulog ulit nagpapasalamat lang talaga ako at may trabaho ako na maganda po.. Ang bilis ng panahon Pa mag 1 month na po ako ulit dito sa totoo ineenjoy ko na lang yung reamaing 12 months stay ko dito sobrang dami kasing drama's today sa hospital...What goes around comes back around.... nakakarma na yung mga gumagawa ng mali dito po.. nakakaawa but choice kasi nila yung mga ginagawa nila dito binalikan lang po sila agad... change topic Pa.. soon na soon na graduate ka na Pa as in weeks na lang po..Naku maiiba na talaga mundo ni Jear iniisip ko na yun Pa pero masaya na ko kasi makakatulong ka na sa inyo at may dagdag points ka na po sa sarili mo.. tuloy lang laban Pa ahh... Sobrang masaya ko para sayo..Feasib sana naman maging ok na yan.. maririnig ma na yung graduation song hahahah,,, sarap mag aral talaga.. I know super happy ka na sa nangyayari Pa sa life mo sana tuloy tuloy na po yan you deserve to be in that situation.. Dasal lang tayo palagi at sana maka hanap ka din ng magandang work agad... To be honest Pa wala naman sense today yung letter ko paano always everyday tau mgkachat kaya lahat na ata nasabi ko na sayo... magyyngat lang po palagi and always put God in everything you do..

I LOVE YOU AND I ALWAYS MISS YOU...



Lovelots,,

Ma.