Thursday, October 4, 2012

Destined to be?

Pa,

     Bilis ng panahon Pa October na po..until now hindi padin ako makapaniwala that we can stay together na  ganito katagal sino nga ba naman makakapag sabi na magiging tayo like what we always talked about yun dalawang tao na di naman nagpapansinan dati eh magmamahal ngayon destiny nga ba yun Pa? tapos 9 years tayong di nagkita hehehehhe,,,kaya tuloy excited tayo eh sa first date natin 9 years the making tayo...9 years yung nilakbay natin bago tayo ibigay ni Lord sa isa't isa alam mo Pa alam kong mahirap, suntok sa buwan yung desisyon natin na maging tayo at habang papatagal ng papatagal yung relasyon natin lalo po ikaw nagiging mahalaga sa akin sa bawat segundo,minuto,oras,araw,buwan na nagkakausap tayo mas minamahal kita Pa sana tuloy tuloy lang po..Kapag tinatanong ko sayo na mahal mo ko hindi pa din ako nagsasawa pag sinasagot mo ako na mahal na mahal mo ko...kinikilig pa din yung Pango..Walang doubt po alam kong ikaw yung "man Heaven made" para sakin ( seryoso yan ah )...marami pa kong gusto malaman kay Jear at alam ko din matutuklasan ko yan sa mga susunod pa na araw, gusto ko na po makasama ka sa ordinaryo na araw gusto ko na maramdaman kung paano ka mag alaga kapag nasa tabi mo yung gf mo ang dami ko gusto Pa na maramdaman kasama ka, yung bubuo tayo ng pangarap na magkasama tayo..^_^ ang drama nanaman eh,,I love you..

    Change topic tapos na 1st sem pasado kaya???? hmmmm di na ata dapat itanong alam ko naman na pasado asawa ko..dito samin winter na Pa malamig na kaya nilalabas na namin yung mga jacket namin..Haj na din po 4 days off ulit with pay sarap may pahinga nanaman ulit,,wala naman pagbabago sa ginagawa ko..habang papalapit yung December mas nawiwindang ako now I know the feeling kasi dati pag nakikita ko yung mga kawork ko dito na pauwi natutulala tinatawanan ko ganito pala talaga mawawala ka sa ulirat..malapit na ulit ako bumalik sa Pinas malapit ko na ulit makita yung mga iniwanan ko...excited na ko makita sila mommy kaso pag tuntong ko ng gate ng bahay namin wala na yung asong malaki na sasalubong sakin si spy hehehheh....ganun talaga may mga mawawala sayo na dapat mo iwan para sa ikabubuti ng lahat...nga pala sem break ng kalbo baka naman panay ang gym at jogging huh tumigil na huh di na bagay masyado payat sau Pa ok na ganyan,,..

    6 months na tayo tapos na ba yung composition   ^_^  hinihintay ko yun Pa...tagal ng jogging mo Pa ahhh..I love you.......


Lovelots,
Ma..

No comments:

Post a Comment