August 31,2012
Ma,
Happy 21st Friday Ma. Another wonderful day po, last day of the month na po, naamoy ko na ang December kasi magkatunog na parehas na may "Ber" sa dulo eh. Thanks sa skype, sa yahoo dati na sobrang bagal ng video streaming, sa mayari ng shop kasi minsan nautang ako dito kapag kulang pera pambayad. Tignan mo ang bilis bilis talaga ng panahon, dati biruan lang eh no! tapos sineryoso, tapos eto 5 months na po tayo Ma. Konti na lang makakasama na kita.
This week, good news lahat, kahit hindi ko tinuturing na bad news ang nangyari sa Tita ko, kasi ok na naman siya eh. Medyo hirap lang kami now, kasi si mama nagshoulder na bayad sa holpital eh. Tapos inutang pa po yung ibang pambayad sa boss niya sa burdahan. Kaya po nagtatahi siya now dun, yan po ang dahilan. Anyway, nangako naman babayaran ng tita ko un kapag nakuha na ang SSS loan niya. Lahat naman ng pagsubok binibigay lang kapag kayang lagpasan dba Ma?!
Maikli lang to Ma, Kasi magtime na ako at magresearch pa ako ng terms sa report ko. hehehe.. sensya na student pa ako. Lagi ko namang sinasabi sayo ito na "Mahal na mahal kita" at hindi po ako magsasawang sabihin yan, kahit pumuti pa buhok natin. Lagi mo lang tandaan na lahat ng pagsubok sa relasyon natin, kaya natin basta magkasa po.Lahat nadadala sa magandang usapan. Ikaw lang po ang Pango ko, alam na alam mo yan at alam ko din ako lang Negro mo. ahehehe.. sweet eh no!
I love you po!
Pa.
No comments:
Post a Comment