Natouch naman ako sa letter mo Ma... Ang bilis ng panahon no! sabi po sayo saglit lang hindi mo mapapansin na sobrang bilis September na agad. Malapit na talaga tayong magkita .. konting tiis na lang po, Ma, huwag masiyadong maging emotional .. mahihirapan ka lalu niyan.. Opo tama ka nahihirapan din po ako. Pero strong din si negro alam mo yan! nililibang ko na lang sarili ko sa mga activities na nakakatulong naman magimprove ng katawagn ko. Ma, maikli lang tong letter ko kasi naglalag ako habang naguupload ng movie clip. Alam mo namang mahal na mahal kita, at hindi magbabago yun. Alam ko din naman na mahal na mahal mo din po ako. Ako na nagupload ng clip kasi po alam ko busy kaw Ma..
Lapit na pala finals namin Ma, Oct 2 po ata ang finals namin excited na ako umakyat ng stage para kumuha ng diploma. Makakamayan ko na din si Mayor ahahaha ^_^ .Malapit na din po ako magtake ng civil service exam sana po pumasa din ako Ma. Lahat ng ngyayari sa buhay ko ikaw lagi unang taong makakaalam.. Alam mo ikaw sobrang hilig mo magdrama.. Lagi ka na lang may mga segway na hiwalayan where infact ikaw tong naiiyak kapag tinatype mo yun.. Tsk tsk.. ^_^ .." sobrang Pango eh" ...
I love you Ma.. Lagi mo ko pinapabilib sa letter mo ah.. Laging full of surprises.. Tiis tiss muna ah.. Magagawa din natin lahat ng mga gsto natin magkasama...Hanggang dito na lang po muna Ma..
Madaming Love po.. madaming Miss din ..^_^
Negro..
No comments:
Post a Comment